Ano ang nilalaro mo nuong ikaw ay bata pa?

 

Ang mga larong ito ay base sa aking mga karanasan nung ako ay bata pa. ilan sa mga laro noon na hindi na masyadong nakikita sa mga kabataan ngayon dahil sa sobrang pagka humaling sa mga larong ginagamitan ng gadget or computer. Hindi na tuloy sila masyadong pinagpapawisan na kailangan pa naman ng ating katawan. At nababawasan narin ang kanilang pakikisalamuha sa mga katulad nilang bata.

 

 

Sipa

 Sipa

 

 

National Sports natin ito noon. Eto yata ang isa sa mga laro na sa tingin ko ay masasabi kong hindi ako nagpapatalo hehehe. Nakakapagod ang larong ito lalo na kung palagi kang taya. Simple lang naman itong laruin, kailangan mo lang sipain ng limang beses ng hindi bumabagsak ang sipa at sa ika limang pag sipa ay kailangan mo itong sipain ng malakas at malayo para hindi ma counter ng kalaban mo. May trick dito para mas malayo mong mapatalsik ang sipa or malito mo ang kalaban kung saan mo pababagsakin ang sipa katulad ng “Black Magic” kung tawagin na kung saan sa likod mo ito sisipain.

 

Patintero

 Patintero

 

 

Kung madami naman kaming gusto na maglaro, ito agad ang naiisip namin. Pwede kahit sino, ang talo ay kadalasang pinipitik sa kamao.

 

 

Holen / Jolen

 

 

 

Isa sa mga popular na laro nung aking kabataan ay ang “Holen”. Todo insayo pa ko noon para maging bihasa sa larong ito. Kapag recess sa school isa ito sa mga madalas naming pagkaabalahan ng mga kaklase kong lalaki.

 

 

Teks

 

 

 

Dito nauubos ang baon ko noon dahil madalas akong talo sa mga kaibigan ko. Ang uso pa noon na mga character ay puro galling sa mga pelikula ni FPJ.

 

 

Napakarami pang mga tradisyonal na laro ditto sa pilipinas, Ilan lang yan sa mga halimbawa ng mga laro noon na malimit mo ng makita na nilalaro ng mga kabataan ngayon. Simpleng mga laro na hindi kailangang pagka gastusan pa ng malaking halaga. Masaya, active ang lahat ng bahagi ng katawan mo, kwentuhan pagkatapos maglaro, sabay sabay na maliligo sa dagat pagkatapos.

 

Ikaw anong nilalaro mo noong bata ka pa?