Hello! Weekday at back to work/school na naman and this only means one thing: TRAFFIC!

 

I-ready mo na ang sarili mo dahil baka maging parking lot na naman muli ang EDSA, pumila ka na naman ng mga more than 2 hours sa bus station at mangalay kakatayo waiting for that single van that will take you home. Make sure na mag-CR break at kumain ng kahit light meal man lang para di ka magutom.

 

“Nakakastress” is such an understatement to describe Monday traffic, alam mo yan! But the truth of the matter is, kahit mastress ka sa heavy traffic, wala ka rin namang magagawa about it. So what’s left to do? Just entertain yourself the best way that you can. Just to share, what I do is I observe people. Tinitignan ko yung mga kilos at galaw nila and make a story out of it.

Sa araw-araw kong pagco-commute, there are a number of people na nag-stand out dahil sa kanilang mga memorable “time-to-shine” moments. These are the people who you just can’t ignore. Sino sino sila? Read below, my friend:

 

1. The Sleeping Beauty

For sure, na-encounter niyo na ang taong ito. Mapa-bus, jeep, van, o kaya LRT/MRT, sila ay laging present. Ating intindihin ang ating mga kapwang walang tulog, pagod sa trabaho o eskwela, o mga sadyang antukin lang talaga. Harmless naman sila actually but beware once they fall into a deep sleep with matching malaks na snore at sandal sa shoulder mo. Ipagdasal mo nalang na nakasara ang bunganga niya while sleeping dahil kung hindi…i-ready mo na lang ang panyo mo dahil may tutulo. Gets mo na yan, friend!

 

2. The Human Subwoofer

Kawawa ka pag nakasabay mo ang mga taong ganito lalo na kung sanay ka sa isang calm and peaceful environment. Pero to be honest, sa lahat siguro ng mga nakasabay ko sa pagcocommute, sa mga taong ganito ako mas naaawa. Parang di na kasi nila alam na what they are doing is harming them already. Wala na silang pake sa mga nangyayari sa surroundings nila at lalo na sa mga namamaga nilang eardrums. Naway hinaan po natin ang volume ng music natin no? From a concerned citizen lang ho. He he he.

 

3. The Ultimate Loveteam

Sa totoo lang, di ko maintindihan ang feelings ko toward these type of people. Minsan nakakilig, nakakainspire tignan. Minsan masakit din kasi may mga naaalala kang memories with your special someone dati. Pero madalas, nakakasuka at nakakabastos. Hinding-hindi ko makakalimutan yung commute ride ko one night. Ewan ko ba at bakit isang maharot na couple pa ang nakasabay ko at all they do during that time ay mag-kiss, mag-hug, mag-baby talk, at mag-giggle na parang mga tumatahol na tuta. Sobrang inconvenient talaga ng feeling ko that time. Look out sa mga taong ganito. Kung tatabi sa isang couple, make sure na hindi sila katulad ng mga nakatabi ko noon.

 

4. The Negatron

Isa rin ang mga ito sa mga kinakainisan ko kapag nagcocommute ako. Pero madalas, dahil sa inis ko, tinatawanan ko na lang deep inside ang mga reklamo ng mga taong ito. Hindi lang nakatapat ang aircon sa kanya, magrereklamo. Matraffic lang ng ilang minutes, magrereklamo. Masikipan sa sinasakyang van, magrereklamo. Tumayo sa bus, magrereklamo. Lahat na lang reklamo. Quota ka na, friend! Awat din kasi wala ka rin namang magagawa di ba? Sabi nga nila...”Patience is a virtue!”

 

5. The “Lamon” King/Queen

May mga tao din talagang hindi mapigilang lumamon ng lumamon – to the point na regardless where they are, kakain sila whatever their food is. Okay lang naman siguro yung mga crackers, mani, mamon. Pero kung sasakay ka sa isang airconditioned public utitility vehicle, siguro huwag tayong kumain ng street food, spicy dilis, o mangga with bagoong diba? Alam ko masarap yan pero sana intindihin natin ang kapakanan ng mga taong kasabay natin. Nangamoy canteen na yung van, hala naman!

 

Hay, iba talaga ang experience kapag nagco-commute – parang mas maraming adventures kasi you also get to expose yourself to different people. Actually, nakakaaliw silang pagmasdan. Do you also have similar experiences with these types of commuters? SHARE niyo naman ang inyong “commute moments” below! J