Tayong mga Pinoy, hindi natin mapagka-kailang we’re all certified music lovers. Sa sobrang pagmamahal nga natin sa music, we always feel na nakaka-relate tayo sa bawat lyrics ng kanta.

 

On one photo sharing app, I saw the post “When you're happy, you enjoy the music; When you're sad, you understand the lyrics.” Which is true naman, ‘di ba? Minsan nga after a hard break up, pakiramdam natin lahat na lang ng sad love songs ay ginawa para sa ‘tin.

 

I as well is a big fan of music. So this Thursday, I’m listing down #hugot songs na pwedeng maka-relate ang lovelife mo.

 

 

Suffering from unrequited love?

 

  • I Can't Make you Love Me - Adele

 

Title pa lang, tagos na.

 

I know some friends na kapag nariring ang kantang ito ni Adele ay bigla na lang magda-drama na para bang sila lang ang taong hindi pinag-pala pagdating sa lovelife. Well, honestly speaking, this is the type of song na kahit hindi ka naman talaga broken ay makaka-relate ka. Yes?

 

 

Nanglalamig na boyfriend/girlfriend?

 

  • Insensitive - LeAnn Rimes

 

“The vagueness in your eyes. Your casual good-byes. The chill in your embrace.”

 

Sapul ka ba? This is truly the perfect song para sa mga katulad mong hindi NA mahal ng taong mahal mo. Sometimes when I’m listening to this song, I just can’t help myself to think kung anong klaseng heartbreak ang pinagdaanan ng writer nito para maisulat niya ang ganitong klase ng kanta.

 

 

Currently on “friend zone”?

 

  • Can’t Fight This Feeling - REO Speedwagon

 

Halos lahat naman tayo nakaranas nang ma-inlove sa best friend natin. But you know what hurts the most? E ‘yong hindi nila tayo kayang mahalin pabalik dahil tayo ay hamak lamang nilang “KAIBIGAN”. Kung tinamaan ka, itong kantang ‘to nga ang theme song ng love life mo.

 

 

E sa hindi nga talaga kayo nagci-click?

 

  • Collide – Howie Day

 

Ang sapatos na masikip, ‘pag pinilit isuot, ‘di ba masakit? Parang Love. Mahirap ituloy at ipaglaban kapag nararamdaman mong you’re not really meant for each other. O, ha, may gano’n! But that’s fine. That’s not your fault. Sabi nga sa kantang Collide, "even the best fall down sometimes".

 

 

Sinaktan ka na, iniwan ka pa?

 

  • Pusong Bato - Jovit Baldivino

 

Are you the type of person na hindi maka-move on sa pananakit at pang-iiwang ginawa ng special someone mo? Then this is the perfect song for you. I can still remember, ito ‘yong kanta na mula tindahan hanggang jeep, naririnig ko. And it also makes me wonder, marami bang broken-hearted sa Pilipinas para gabi-gabi na lang itong kantahin sa videokes, with matching pikit-pikit pa ng mga mata and kumpas ng kamay? ‘Yong totoo lang ho.

 

 

Hirap maka-move on?

 

  • Better in Time – Leona Lewis

 

Aminin mo, paulit-ulit mo ‘tong pinapakinggan n’ong mga panahong naghiwalay kayo. And please, aminin mo ring kahit na sa pagligo mo’y kinakanta mo ang linyang “Thought I couldn't live without you, it's going to hurt when it heals too.” Tama, ‘no?

 

Aside from this hugot song, there are also a lot of moving on songs na sure akong makaka-relate ka. Like “Someone Like You” ni Adele, “Cry Me A River” ni Justin Timberlake, at ang nag-iisang “Somebody that I Used to Know”.

 

 

Nasasaktan na pero G pa rin?

 

  • I Won’t Give Up – Jason Mraz

 

Kung isa ka sa mga taong martir sa pag-ibig, kung isa ka mga naniniwalang para kayo sa isa’t isa, at kung isa ka sa mga nagsasabing, “Oo, I believe in FOREVER”, ito ang theme song mo. Hirap ka na, pero gusto mo pa, ha? It’s okay, I won’t stop you. Sabi nga ni Jason Mraz sa kantang ‘to, “God knows we're worth it. No, I won't give up.” #EdiWow

 

 

Ngayon, ikaw naman. Ano ang theme song ng love life mo?