(An Araw ng Kagitingan “kuno” Special)

 

 

Magiting = Brave

 

Ang pagiging magiting ay hindi lamang ginagawa para sa bayan. Pwede rin naman tayong maging magiting para sa ikabubuti ng ating pamilya o mga kaibigan, or in this case, maging magiting pagdating sa pag-ibig.

 

Some say that being brave when it comes to love means expressing affection in every way. Pero sa ganoong paraan lang nga ba talaga? Because for me, I know that there’s more than one way to be brave. Read on para malaman mo kung tunay ka nga bang magiting.

 

 

Magiting ka kung kaya mong magparaya

 

Magparaya. Big word, ano? Big word na, mahirap pang gawin. Especially if you’re the type of person na hindi naman talaga kayang pakawalan ang taong mahal mo. It’s hard, pero kailangang gawin lalo na’t masakit na talaga Kuya Eddie. Instead of seeing him/her not happy being with you, just let go.

 

 

Magiting ka kung kaya mong magpaka-martir

 

Alam mong may iba siya, but you keep yourself silent and your ears covered (naks, hugot!). Pero actually, for me ‘yung mga taong martir ay ‘yong mga dapat pinapalakpakan. Because these people believe that there’s still hope in their relationship. Pero please naman, ha, ‘wag araw-arawin. ‘Wag mong gagawing hobby ang pagiging martir. Concerned lang ho.

 

 

Magiting ka kung kaya mo siyang ipaglaban

 

She’s for you, and you’re for her. You know that kaya dapat lang na ipaglaban mo ang nararamdaman mo. Yes, in my first item, I mentioned the term “magparaya”. But you don’t have to do that all the time, ano ba! May mga pagkakataong tamang palayain siya (naks, hugot ulit!) at may mga oras din na kailangan mo siyang ipaglaban. Mula ba kanino? Sa mga taong humahadlang sa inyo.

 

 

Magiting ka kung marunong kang maghintay

 

Marami itong factors. Pwedeng kailangan mong maghintay kasi both of you are not yet on the right age. Or you have to wait dahil hindi pa ito ang “God’s perfect time” niyo, or pwede rin namang kailangan mong maghintay kasi hindi pa siya single ulit. LOL. But whatever the reason is, magigiting pa rin ang mga taong marunong maghintay because they still choose to stay and love that one person kahit na maraming namang isda sa dagat.

 

 

Magiting ka kung kaya mong tanggapin ang reality…

 

….Ang reality na hindi ka na niya mahal. Period.

 

 

How about you? Paano mo pinapakita ang pagiging magiting mo pagdating sa pag-ibig? Comment below with the hashtag #HugotHuwebes.