It’s the Labor Day weekend! For some, this also means LaBoracay weekend. Pero para sa ilang mga fresh graduates at unemployed, there are more important things to do than chilling and partying ‘til midnight. For them, of course, it’s better to spend the holiday finding jobs. Especially now, maraming job fairs na pwedeng puntahan.

 

Minsan lang magka-job fairs, so grab the opportunity na, ‘di ba? Ang mahirap nga lang, you can’t predict what will happen sa pag-a-apply mo. Ang job application kasi parang LOVE ‘yan, e - minsan tanggap, minsan rejected. But that’s fine. Okay lang naman ma-reject, at least, sinubukan mong mag-apply.

 

Today, I’m giving you some tips on how to land a job this Labor Day.

 

 

1. Research the place.

 

Mahirap nang maligaw, at turn off din kung darating ka nang late. So as much as possible, i-google na ang lugar ng job fairs or employers na pupuntahan (in case you don’t know the exact location).


Kung kakailanganing sumakay ng MRT, kapatid, ihanda ang sarili sa pagdagsa ng mga tao. 

 

Pwede kang makipag-siksikan sa kanila kung gusto mong pumasok na malinis at lumabas na mandirigma. But my suggestion? Don’t. ‘Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo kasi may darating pa namang kasunod. So it’s better to just wait, but, not too long. Masakit din kasi ‘yong feeling na mas matagal pa ‘yong hinintay mo kaysa sa actual na byahe mo. Parang Love lang ‘yan. And if ever naman na maiwan ka ng MRT, ‘wag mong hahabulin, ha? Masasaktan ka lang. Just accept the fact that in life, minsan talaga naiiwan ka.

 

 

2. Prepare yourself.

 

Of course, hindi ka naman mag-a-apply ng trabaho nang hindi ka handa. What I mean here is, prepare yourself kung hindi ka man matanggap sa unang inapplyan mo. Parang Love lang ‘yan - minsan talaga hindi natin nakukuha kung sino’ng gusto natin.

 

When that happens, e ‘di move on. Hanap na lang ng iba. Parang Love lang ulit, ‘di ba? Bakit mo ipipilit ang sarili mo kung ayaw naman sa ‘yo? Bakit mo ipu-push, if there’s someone out there na kaya namang tumanggap sa ‘yo nang buong-buo?

 

 

 

3. Rest, eat, then fight again.

 

Kailangan mo ng trabaho, ‘di ba? Then quitting should never be your option. Magpahinga ka muna bago pumunta sa ibang job fairs. Mahaba pa ang araw and you can still do a lot of things. You can choose to fuel up yourself for your next job hunting sa pamamagitan ng pag-kain.

 

Magastos maghanap ng trabaho, so my tip is to dine at fast food chains para mas makatipid. ‘Yung tipong mga P70 lang ang magagastos mo. Mahaba ang pila sa mga ganitong kainan, but that’s okay. Tulad kasi ng Love, masarap sa pakiramdam ‘pag nakuha na natin ‘yung bagay na hinintay natin nang matagal. It’s worth it dahil mabubusog ka naman sa huli. Basta uubusin ang pagkain na inorder, ha? Parang Love lang kasi ang pagkain, e - hindi dapat sinasayang.

 

 

4. Give your best shot.

 

Naranasan mo nang ma-reject. Siguro naman hindi mo na hahayaang mangyari ulit ‘yon, di ba? Focus on your application, focus on your interviews. Ang paghahanap kasi ng trabaho parang Love lang din ‘yan, e. You have to give your all.

 

 

They say the beginning is always the hardest. Mahaba man ang binyahe mo at mahirap man ang pinag-daanan mo, I’m sure makukuha mo pa rin ang trabahong para sa ‘yo. Now my last piece of advice is to take care of your job. Remember, ang trabaho parang Love ‘yan – kailangang mahalin, kailangang alagaan, at kailangang seryosohin.

 

 

Good luck!