Tigil muna sa pag-hugot. This Thursday, dapat happy!

 

I’m kicking off my very first #HappyHuwebes article with some throwback Thursday feel. At ano nga ba ang malimit na thino-throwback? High School days, yes!

 

Ito kasi ‘yong part ng life mo na todo nag-enjoy ka. Chill lang, walang pressure, ‘di ba? Ang sarap lang alalahanin, especially the kilig moments with your crushes – ‘yung tuwing nakakasalubong mo siya sa campus, ‘yung nakatabi mo siya sa klase, ‘yung nakasayaw mo siya sa prom. Marami. And today, I’m listing down the most unforgettable ones.

 

 

Classroom Moments

 

Maraming kilig moments sa loob ng classroom. One of these ay may kinalaman sa papel. Could you still remember ‘yong halos tumirik na ang mata mo sa sobrang kilig dahil nanghingi ng lengthwise pad paper sa ‘yo ang crush mo? ‘Yung tipong hindi ka maka-getover at proud mo pang ikinwento sa buong campus ang simpleng paghingi lang sa’yo ng papel ng crush mo.

 

tirik-mata.jpg

Photo credits: http://cdn.meme.am/

 

Sa classroom din nagkakaroon ng mga asaran ang kantyawan. These are the moments na makatabi mo lang si crush, todo asar na ang mga kaklase mo like sila pa ang kinikilig kaysa sa ‘yo. Ikaw pa ang mahahampas o masasabunutan sa sobrang happy nila for you.

 

 

 

J.S Prom

 

Sino’ng makakalimot sa mga happenings noong Juniors and Seniors prom niyo? I’m sure hanggang ngayon, nai-kikwento mo pa rin sa mga officemates mo kung anong level ng kilig ang inabot mo nang maka-partner at makasayaw mo ang crush mo.

 

js-prom.jpg

Photo credits: http://www.memecreator.com/

 

Sa J.S prom ‘yung maraming nagka-aminan ng feelings, e. ‘Di ba, inabangan mo talagang maging slow song ang music para makasayaw mo na siya nang senti at masabi mo kung gaano mo siya ka-gusto? May pa-yakap yakap effect ka pa nga, e. Lalo na kapag senior year na, wala nang hiya-hiya. Amin na kung amin! Last na naman, e.

 

 

Retreat/Recollection

 

Uso ‘to no’ng High School. This was one school event you didn’t want to miss kasi ito ‘yung parang makakasama mo nang overnight ang mga classmates mo, including your crush, of course. Ang saya-saya mo ‘no, nuong palitan na ng letters kasi puro ka-sweetan at inspiring messages ang sinulat mo sa bago mong stationary na ibibigay mo sa kanya. I’m sure nga tinatangao mo pa until now ang letter na natanggap mo galing sa kanya, e.

 

And please admit, too, na abot tenga ang ngiti mo nong naka-group mo siya sa isang activity during the recollection. Kung kiligin ka no’n parang wala ng bukas, ano? Feeling mo pa korteng puso na mga mata mo tulad ng mga napapanood mo sa cartoons, ano? Ganyan tayo, e.

 

 

School Plays

 

High school days were the days na sobrang active mo sa mga extra-curricular activities. Halos lahat na lang yata ng clubs sinalihan mo. Pero I guess ang club na nagkaroon ka ng maraming memories ay ang drama club kung saan you will perform school plays. Sobrang swerte mo no’ng gumanap kayong Romeo and Juliet ng crush mo. Gandang-ganda o gwapong-gwapo ka sa kanya, at F na F mo ang batuhan niyo ng lines.

 

 

 

Foundation Day

 

This also means jail booth, marriage booth, at kung anu-anong pang booths! O, tingnan mo, nabanggit ko lang ang marriage booth, napa-reminisce ka na agad.

booths.jpg

Photo credits: http://s.quickmeme.com/

 

Do you remember nong hinihila ka ng mga baliw mong friends para magpa-kasal “kuno” sa crush mo sa marriage booth? ‘Yung kunwari ayaw mo at nahihiya ka, pero sa loob-loob mo “sige, hilain niyo pa ‘ko, hilain niyo pa ‘ko”. And then no’ng naikasal na kayo, hindi ka nakatulog, ‘di ba? Hindi mo rin binura ‘yong wedding ring na dinrawing sa daliri mo gamit ang pentel.

 

 

Hay, high school!

 

They say these days are the best and the most unforgettable parts of your estudyante life. Dito ka kasi unang kinilig, unang nagka-crush (OA level), unang nagmahal, at unang nasaktan.

 

I’m sure marami ka pang high school kilig moments diyan. So why don’t you share them with us? The comments sections are always open for you, guys. Happy Huwebes!