Got a fairy tale-like love life? Then you are a very lucky fellow.

 

Pero para sa iba riyan na sawi sa pag-ibig at umaasa na lang na matatagpuan din nila ang kanilang “forever” tulad ng mga napapanood nila sa mga fairy tale movies, good luck! I’m not being a negatron here, pero reality check, there are some things in fairy tales na possibleng hindi mangyari sa love life mo. Don’t expect too much, kasi, ate, masakit ‘yon.

 

So what are those fairy tale expectations about love? Here:

 

 

Prince Charming

 

The problem with fairytales is masyadong perfect ang mga prince charming. Para bang walang mali sa kanila. Ang mga babae tuloy, nagiging mataas ang standards pagdating sa lalaking sasagutin. They want their guy to be handsome, thoughtful, at magmi-mistulang “knight in shining armor” nila habang sila naman ay magfi-feeling na “damsel in distress”.

 

In real life, mga ate, walang ganito, ha? Stop waiting for your prince charming o sa so-called Mr. Right mo. Pinapahirapan mo lang ang mga lalaki sa kaka-figure out kung papaano nila mapa-pantayan ang standards at expectations mo. Paano ka naman magkaka-love life sa ginagawa mong ‘yan, sige nga!

 

 

True Love’s Kiss

 

Present ito sa halos lahat ng fairy tales na alam ko. They say only a kiss of true love could save a person. Sa totoong buhay, mga friends, kahit ilang beses ka pa niyang halikan, kung nasaktan ka, nasaktan ka! ‘Wag kang ano!

 

 

Fairy God Mother

 

Fairy-Godmother-Scene-2.jpg

Photo credits: http://a.dilcdn.com/

 

Fairy god mothers – ito ‘yung mga taong tutupad sa mga hiling mo. But in real life, hindi palaging may ganito. Hindi sa lahat ng oras ay may tutulong sa ‘yo. Sometimes, kailangan mong makuha ang taong gusto mo nang hindi umaasa sa iba. Trust yourself.

 

 

Happy Ending

 

Seriously? Happy ending? Oh, well, siguro ‘yung iba’y mararanasan ito. But like what I said, may mga bagay na pwedeng hindi mangyari sa ‘yo.

 

In love, there are things na masakit kapag pinipilit. Kahit gaano pa kayo lumaban para sa isa’t isa, babalik at babalik pa rin kayo sa mga salitang “hindi talaga tayo meant to be” at “we will never live happily ever after”. Masakit, I know, I know.

 

 

Ikaw, para sa’yo, anong expectations ang sinet ng mga fairy tale movies? Share it through the comment box below!