Looks like hindi lang basketball fans ang naka-relate sa recently concluded NBA 2015 Finals, where in Golden State got its first championship since 1975. Mukhang pati ang mga may love life, feeling may love life, at nawalan ng love life ay naka-relate rin. That’s because, believe it or not, may mga HUGOT or realizations tayong makukuha from the biggest basketball game.

 

And here are some:

 

Nakakapagod magmahal.

 

‘Yung ginawa mo na at binigay mo na lahat maisalba lang ang relationship niyo, pero wala pa rin talaga? Ganito ‘yung feeling niyan, e:

 

nba-1.jpg

Photo source: http://ts3.mm.bing.net/

 

 

Hindi madaling mawala ang sakit.

 

nba-2.jpg

Photo source: http://images.latintimes.com/

 

Sana pwede na lang itulog ang sakit ng puso hanggang sa mawala ang kirot, ano?

 

I remember my nephew. May malaki siyang sugat sa siko dati, then he told me “mas gusto ko na nga lang matulog, e. Kasi kapag natutulog ako, nakakalimutan ko ang sakit.”

 

I know, he’s referring to his wound. Pero sa loob-loob ko noon, “ang bata mo pa, humuhugot ka na!”

 

Kidding aside, sana nga ang sakit ng puso ay tulad na lang ng kahit na anong sugat, ano? ‘Yung itulog mo lang, paggising mo, humupa na ang sakit. ‘Yung magigising ka lang kapag okay na ang lahat, ‘pag tapos na ang lahat (oha, hugot ‘yan! LOL).

 

 

May mga taong natural na balimbing.

 

Alam mo ‘yung mga kaibigan mong balimbing? ‘Yung todo paninira at pagsasabi nang negative sa boyfriend/girlfriend mo ‘pag naghiwalay kayo, pero ‘pag nagkabalikan na ulit, ganito na sila – nganga:

 

nba-4.jpg

Photo source: Sports Unbiased | Predictions, Sports Polls, News & Forecasts

 

Ang MVP title ay parang puso ng mahal mo.

 

Gusto mong makuha, at gagawin mo lahat mapa-sa’yo lang ito. Pero ano’ng pakiramdam kapag nalaman mong may karibal ka pala? At katulad mo, hindi rin siya magpapatalo makuha lang ang attention ng taong mahal mo?

 

It hurts, dude, I know. Lalo na kapag alam mong mas may laban siya at mas magaling siya kaysa sa ‘yo. #CurryFeels

 

nba-5.jpg

Photo source: http://fansunfiltered.com/

 

 

Lumalaban ka pa rin kahit GAME OVER na.

 

nba-6.jpg

Photo source: https://pbs.twimg.com

 

 

Tulad sa basketball, kapag tapos na ang laban, tama na. There’s no point of fighting lalo na kung ayaw na niya, sumuko na siya, at ikaw na lang ang nagpipilit lumaban para maayos pa.

 

Move on na dahil may next game pa na pwede mong ipanalo.

 

 

Ikaw, naka-relate ba ang love life mo sa katatapos lang NBA Finals? Share your thoughts on the comments box below!