We Filipinos, kung hindi talented o naturally good-looking (*cough cough*), ay totoong mabilis tayo pagdating sa ilang mga bagay. Mabilis tayong dumiskarte sa buhay, mabilis umubos ng pagkain ‘pag eat-all-you-can, mabilis mag-reply sa text, at minsan, tayo rin ‘yung pinaka-mabilis ma-fall o mainlove sa maling tao. Ang kumontra, guilty!

 

Aside from these, here are more things kung saan pinaka-mabilis ang Pinoy:

 

 

Mabilis pagdating sa libre

 

Kunwari busog o nagda-diet kaya ayaw kumain. Pero ‘pag nalamang libre, hala, nauna pang pumila sa counter.

 

yan-tayo-e.jpg

Photo source: http://m.memegen.com/

 

 

Mabilis mag-share sa Facebook.

 

With today’s fast internet connection, sisiw na lang sa atin ang mag-internet anytime, anywhere we are. Kaya naman hindi na rin tayo nahihirapang mag-post ng kung anu-ano sa Facebook.

 

‘Di ba, ‘yung picture nga lang ng dalawang toasted bread na almusal natin ay nagagawa pa nating i-share sa FB with the caption “kain pu tayu”? Pati status ng traffic sa EDSA at boses ng kapitbahay habang nagvi-videoke ay mabilis nating napagkakalat sa Facebook. #BilisNgPinoy

 

 

Mabilis mag-selfie

 

Did you know that just recently, isa sa mga cities ng Philippines ay tinawag na “selfie capital of the world”? No surprise naman. Sa bilis ba naman nating pumose at mag-selfie sabay post sa Instagram, ewan ko na lang kung hindi natin makuha ang ganoong title.

 

We Pinoys, ang hilig nating i-share ang mukha natin sa madla, ano? Kakagising lang, selfie agad. Tapos ipo-post sa Facebook with the caption “sorry for the face. Just woke up.” Just woke up daw pero naka-blush on. Sus!

 

 

Mabilis pagdating sa kalokohan.

 

Natural tayong masayahin, e. Kaya pagdating sa paggawa ng mga pakulo at kalokohan, ang bilis natin.

 

These past few days, kalat sa Facebook feed ko (and I’m sure sa inyo rin) ang dubsmash videos na “Twerk it like Miley”. May ibang videos na masakit sa mata, pero meron din namang sobrang matatawa ka. Wala e, Pinoy, e. Here’s the funniest for me:

 

 

 

 

Mabilis ma-fall

 

tinamaan-ka-no.jpg

Photo source: http://cdn.meme.am/

 

 

Most of us, especially girls, mabilis ma-inlove. Hinatid lang pauwi, binigyan lang ng tirang chocolate, nakipag-kwentuhan lang nang pa-deep, binanatan lang ng hugot lines, na-fall na kasi feeling mo may gusto siya sa ‘yo.

 

 

Ikaw? Para sa ‘yo, saang bagay mabilis ang Pinoy?