#LoveWins.

 

Kumalat ang hashtag na ito all over Facebook and Twitter right after ma-legalize ang same-sex marriage sa lahat ng states sa America. Many voiced out their opinions tungkol sa issue - may mga natuwa, mayroon din namang mga kumontra.

 

Pero ‘yung totoo lang mga ate, kailan nga ba talaga nananalo ang pag-ibig? I’m sure this is not just about marrying whomever you love. So this Huwebes, let me share eight moments kung saan laging panalo ang pag-ibig.

 

 

1. Kailangan mong mag-overtime sa trabaho, pero monthsary niyo. Syempre siya ang pipiliin mo. Aba, mas okay nang masermonan ng boss, ‘wag lang siyang magalit sa ‘yo.

 

lovewins-office.jpg

Photo source: http://i27.tinypic.com/

 

 

2. Ang lakas ng loob mong alokin na mag-taxi ang girlfriend mo from South to North. E naiwan mo pala ang wallet mo. Siya na lang ang nagbayad para sa ‘yo. #LoveWins

 

lovewins-taxi.jpg

Photo source: http://cdn.onextrapixel.com/

 

 

3. You badly want to buy that pair of Nike shoes, pero naglambing siya at gusto niyang ipabili ‘yung bag na matagal na niyang nakikita. No, it’s not about spoiling her, it’s about putting her happiness above everything else.

 

 

4. Mahal mo siya. Pero mas mahal niya ‘yung isa. You decided to just let her go kasi mas gugustuhun mo nang masaktan ka, kaysa makita siyang hindi masaya. #LoveWins

 

lovewins-letgo.jpg

Photo source: http://images.elephantjournal.com/

 

 

5. ‘Yung imbis na ipangkain mo ‘yong perang pinapabaon sa ‘yo ng Mama mo, iniipon mo para may pang-date kayo. #LoveWins

 

6. Sunday lang ang off mo sa trabaho. Pero imbis na magpahinga ka sa bahay, mas pinipili mong lumabas at makasama siya. #LoveWins

 

lovewins-happy.jpg

Photo source: http://rachelhavel.com/

 

 

7. Magkikita-kita kayo ng mga barkada mong 5 years mo nang hindi nakakasama. E saktong nag-text siya at nagsabing gusto ka raw niyang makita. Ang mga kaibigan, andiyan lang ‘yan. Pero siya? Nag-iisa lang.

 

8. Kahit ayaw sa kanya ng parents mo, o ayaw sa ‘yo ng parents niya sa dahilang hanggang ngayon ay hindi mo alam, push ka pa rin sa pakikipag-kita sa kanya. Mas okay nang mapagalitan, ‘wag lang siyang mawala sa ‘yo. ‘Di ba?

 

lovewins-family.jpg

Photo source: https://s-media-cache-ak0.pinimg.com

 

 

O ikaw naman. Think of moments kung saan nananalo ang pag-ibig, and share them below.