Finally after 9 years, NASA’s spacecraft reached the distant Pluto and even sent back clear photos of it.

 

When I saw the image yesterday afternoon, alam niyo ‘yung feeling na para akong bumalik sa pagiging 10 years old? This was the age na tumatambay ako sa hagdan ng bahay namin just to read books and encyclopedias about our solar system. With this accomplished mission of NASA, hindi lang ako nakaramdam ng saya. May mga bagay din akong natutunan na alam kong magagamit ko sa buhay. Listing them down here:

 

 

1. Great things are worth waiting for.

 

Parang sa life, kung gaano katagal nating hinihintay makamit ang isang bagay, ganon din kasarap sa pakiramdam kapag nakuha na natin ito.

 

It took NASA's New Horizons Mission 9 years to reach Pluto. 9 years, men, 9 years! Siguro nga ang ilan sa atin ay hindi na umasa, o ‘yung iba nakalimutan nang may ganitong pakulo pala. Pero ‘nong na-accomplish ang mission, kahit nuong una wala kang pake sa Pluto, bigla kang nagkaroon ng pake, ano? Ang sarap lang kasi sa pakiramdam. Parang naging proud ka rin.

 

Look at the reactions of the New Horizons science team members in the photo below. ‘Di ba, they looked fulfilled? Great things are worth waiting for talaga.

 

nasa.jpg

Photo source: http://www.theguardian.com/

 

 

2. Never give up. There’s always hope.

 

Sa pag-ibig, madalas sumusuko tayo kapag pagod na tayo, ‘pag ayaw na natin, o kapag sobra na tayong nasasaktan. But remember that giving up should never be your option. You should fight until you can't fight anymore, kasi hindi mo alam kung ano pang pwedeng mangyari, at hindi mo alam kung ano’ng naghihintay para sa ‘yo.

 

Just like the men behind the New Horizons mission. Kahit na alam nilang no spacecraft has ever visited Pluto, they still pushed through with the hopes na balang araw, may mapapala rin lahat ang mga paghihirap nila.

 

pluto.jpg

Photo source: www.9gag.com

 

 

3. Efforts can make someone happy.

 

In life and in love, iba ang nadadala ng simpleng efforts. ‘Yung simpleng pagte-text niya, pagtawag niya sa gabi just to make sure nakauwi ka nang maayos, at ‘yung pagdalaw niya sa bahay niyo kahit na alam niyang matinding traffic ang pagdadaanan niya makita ka lang. Efforts can make someone happy.

 

Siguro kung ikaw si Pluto, ganito rin kalapad ang ngiti mo ‘pag nalaman mong may isang taong nag-effort puntahan ka knowing na sobrang layo mo:

 

pluto on pluto.png

Photo source: http://images.hngn.com/

 

 

4. We all deserve a second chance.

 

second-chance.png

Photo source: http://images.hngn.com/

 

Enough said.

 

What about you? What lessons have you learned from the recent Pluto encounter?