TM Easy Plan - FAQs

Version 2

    May mga tanong ka tungkol sa TM Easy Plan? Makikita ang sagot namin dito.

     

    1. Paano ang process ng TM Easy Plan?
    Para magamit mo ang TM Easy Plan kailangan mo munang mag register online or pwedeng kami ang magregister sa’yo. Mag-send lang ng message sa Republika ng TM FB page at hintayin kung ikaw ay maa-approve within 24 hours. Ang registration ay free. Kapag approved ang iyong application, kailangan mong mag load ng P150 pangbayad sa connection fee via text to *143#. Kung TM Easy Plan SIM naman ang gamit mo hindi mo na kailangan mag load dahil may kasama itong load na P149 na pwede mong gamitin na pambayad ng connection fee sa iyong pag-a-apply sa TM Easy Plan. Ang load na ito ay hindi pwedeng gamitin upang ipang-register ng ibang promo. Kapag nabayaran mo na ang connection fee magagamit mo na ang TM Easy Plan. Easy lang di ba?

    Kailangan mo lang mag-apply for TM Easy Plan subscription, ka-TM! Pwede mong gamitin ang regular TM SIM mo or bumili ng TM Easy Plan SIM (LTE-capable) sa pinakamalapit na Globe Store. Sobrang EASY lang ng pag apply! Pwedeng mag-apply sa TM Facebook page or via TM web page. Para makapag-apply thru FB, i-send lang ang sumusunod sa Republika ng TM:

    * Full name (including middle name)
    * Birth date
    * TM number
    * 1 valid ID na nagpapakita ng mukha at buong pangalan o pwede din kayong mag-apply online sa www.republikatm.ph/easyplan.

     

     

    2. Paano mag apply sa TM Easy Plan:

    May dalawang paraan para mag-register:

     

    Via: TM Website

      1. 
Pumunta sa www.republikatm.ph/easyplan
      2. Ibigay ang mga detalye tulad ng:
        * Cell phone number
        * Birthday
        * Buong pangalan

        * 1 valid ID na nagpapakita ng mukha at buong pangalan

     

    Via: Facebook Messenger

      1. Mag-log-in sa iyong Facebook account at hanapin ang “Republika ng TM” Facebook page (facebook.com/RepublikaTM)

      2. I-PM ang Republika ng TM Facebook Page, at sabihin ang kagustuhang mag-apply para sa TM Easy Plan.

      3. Ibigay ang mga sumusunod na detalye:
        * TM number

        * Birth date
        * Buong Pangalan (kasama ang panggitnang pangalan)

        * 1 valid ID na nagpapakita ng mukha at buong pangalan

     

    Pagkatapos mag-apply, makakatanggap ka ng text mula sa TM sa loob ng 24 hours na magsasabing approved ka na para sa TM Easy Plan. 
(Kung hindi ka makakapagbayad ng connection fee after ng cut-off, magiging Prepaid SIM ang TM Easy Plan SIM mo. Babalik ang TMEP services mo once mabayaran mo ulit ang connection fee.). Easy, di ba?

     

    3. Ano ang mga valid ID?
    Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod for TM Easy Plan application:


    * Driver's license (permanent or temporary) with signature and details clearly visible
    * Company ID (front and back) with signature
    * Passport with signature must be clearly visible
    * Student's ID (front and back)
    * Philhealth ID

    * Voter's ID
    * TODA ID
    * SSS ID
    * Senior Citizen's Card
    * Other IDs clearly showing your photo and your full name

     

    4. May TM Easy plan na ako pero gusto ko i-subscribe ang isa ko pang TM number. May option ba ako na mag-apply gamit ang iba pang mga TM number?
    Oo naman ka-TM! Walang limit ang pwede mong i-register sa TM Easy Plan.

     

    5. Pwede ko pa bang magamit ang TM Easy Plan kahit matagal na akong hindi nakapagbabayad ng connection fee? / Pwede bang ma-terminate ang account ko sa TM Easy Plan kapag hindi ako nakapagbayad?
    Pwede kang bumalik sa TM Easy Plan subscription anytime! Byaran mo lang ulit ang connection fee para ma-enjoy mo muli ang TM Easy Plan. Easy di ba?

     

    6. Nag apply ako online at wala pa akong balita sa status ng application ko, saan ako pwede mag follow up?

    Magpadala lang ng PM sa official TM Facebook page ng iyong concerned mobile number at date and time ng iyong online application for checking.  Pwede mo din ito ma-check via *143#>1. TM Easy Plan>4. TM TM Easy Plan Status Check or send ______ sa 8080.

     

    7. Paano ko malalaman kung ilan pa ang data allocation ko?
    Ka-TM pwede ka mag-download ng Globe Switch App to manage your data usage. It will give you full control sa mga application na exposed sa data charges. Tutulungan ka nito to prevent unwanted consumption ng data ng mga apps that you are not currently using, ultimately protecting your wallet from unexpected data charges. Pwede mong bisitahin ang link na ito for more information, https://www.globe.com.ph/prepaid/apps/switch.

     

    8. Unli ba ang FB ng TM Easy Plan?
    May 100 MB each for Facebook, Viber at selected games per day ang TM Easy Plan. No worries, sa TM Easy Plan kapag nagamit mo na ang 100MB babagal lang ang iyong connection pero walang additional charges at nag-re-refresh pa ito everyday.

     

    9. Akala ko ba available nationwide ang TM Easy Plan SIM? Bat wala sa lugar ko?
    Maaaring nagkaroon tayo ng delay sa pagpapadala sa Globe Stores. Maaari ding hindi pa LTE serviceable ang area nyo kaya’t hindi pa offered ang TM Easy Plan dito.

     

    10. May limit ba ng calls sa TM Easy Plan?
    Currently, 12 minutes ang limitation ng unlicalls feature in relation to Fair Usage Policy. Maaari mong bisitahin ang link na ito para sa aming Fair Use Policy, https://www.globe.com.ph/help/prepaid/fup. No worries, pwede mo namang i-dial ulit ang number ng nais mong tawagan.

     

    May iba ka pang katanungan? Bumisita lamang dito.