6 Replies Latest reply on Sep 15, 2016 3:02 PM by aldrinzordic

    Globe bakit ganito yung plan ko na 1299?

    aldrinzordic

      Globe gusto ko lang sana ilapit sainyo etong problemo ko sa plan nyo na 1,299.

      Ganito po, ang una ko pong plan is 1,295 which is 3MBPS yung speed tapos nakita ko yung mga advertistment nyo about sa plan

      1,299 sabi ko mas maganda kung iuupgrade koa na yung plan ko at tutal malaki rin yung itataas ng speed ng internet ko so noong september

      8 nag pa upgrade ako, sb ng operator nyo antay lang ako ng 24 hours after noon walang tumawag sakin, kinagabihan  tumawag ako sb antay ako ng 24 hours so nag antay nanaman ako, bale kahapon which is September 10 tumawag ako ng tanghali ang sabi na upgrade na daw pag ka check ko sa speedtest ko, nagulat ako at ang baba ng naupgrade ko? 4mbps lang? halos 1mbps lang tinaas nung speed ko after ma upgrade, sabi ng operator na kinausap ko sinurvey naman yung lugar okay naman na malagyan pero ni hindi man lang umabot ko 60% yung inugrade ko na plan? ang dati kong plan is 3mbps tapos ipiniupgrade ko sya sa 10mbps tapos makukuha ko 4mbps lang? bakit ganun lang nakuha ko? ni hindi na nga nila pinalitan yung modem ko, tapos 1mbps lang mauupgrade?

        • Re: Globe bakit ganito yung plan ko na 1299?
          ermanluis.liwanag@icoud.com

          Hi Sir,

           

          I think my problem ang copper wire wire sa area or baka yung cabinet sir may interference. Or Pwede ding ung mga device na naka connect sa wifi mo malakas ang data interference. Nawowork kasi ako sa telephone corp kaya medyo may alam ako. Mas maganda sir Isolate mo ang connection mo. Mag Run ka sir ng speed test without wireless device connected to make sure nawalang ibang issue. Connect mo ang ethernet cable sa laptop or Desktop mo sir. punta ka speedtest.net tapos dapat isang cable device lang ang connected para isolated ang issue. Respond ka lng dito sir pag may result na. - Lucas

            • Re: Globe bakit ganito yung plan ko na 1299?
              aldrinzordic

              update ko lang ngyari para alam din ng lahat, pumunta si technian dito ng tanghali bale September 12 yan kahapon, from september 8 umabot nako ng september 12 (update lang ng plan ha umabot na ilang araw) kahapon pumunta dito yung technian ng globe, umupo dito sa sala pinabuksan ang computer, pumunta sa ip address ng net ko, nag speedtest, ginalaw lahat ng wire ko sa likod ng modem, pati na rin sa computer hindi binalik ng maayos, tapos ang sinabi nya lang samin, pupunta ako ng box baka may problema. tapos dali dali umalis ung technian iniwan si computer na nakabukas nag baka sakali kami na babalik sya, walang tawag tawag kung ano na ngyari kinagabihan tumawag ako, sa globe support wala daw naging report sakanila yung tech na pumunta samin,( anong klaseng tech yun? )

               

                   so binigyan kami ng new reference number para sa reklamo sa tech, at new job order, tumakbo uli isang araw ngayong umaga September 13 pag uwi ko feedback sakin wala pa din tech na pumunta, tumawag ako ngayong gabi sab ng operator ( "okay na daw"? ) Teka okay na daw? wala man lang nag sabi na ginagawa na or tumawag man lang sa bahay kung okay na yung connection namin kami pa talaga tatawag sa globe para mag tanong kung nagawa na? tapos pag check ko ng connection 4MBPS pa din? so ganito na lang yun? mag babayad kami ng 1,299 para sa 4mbps? unsatiesfied talaga. kung mga copper wire yung problema sana nag sabi muna sila na hindi pa pwede samin mag upgrade at hindi pa upgradable mga cable sa lugar namin. pero ang sabi naman ng operator na survey na okay naman daw ung lugar, tyaka globe ang may hawak nga mga cable sana ayusin naman nila eto kaya nga kami nag pa upgrade e kahit hindi na nga 10mbps makuha bsta kahit mga 6mbps man lang makuha namin. yung maliit na dagdag sa speed na yan malaking bagay na yan. Bukas tignan pinaclose ng technian yung job order namin kanina e ng walang pasabi or confirmation na naayus nya na bigla nalang pinaclose yung job order namin.

            • Re: Globe bakit ganito yung plan ko na 1299?
              hyperdeni

              Sir ano po ang connection nyo. broadband or dsl? yng sakin po kc broadband na 15mbps, last August 22 kinabit at hanggang ngyong September 14 d ko pa din naaabot si 15mb,mga 6am medyo mataas speed pero pagdating ng 8am unti unti ng bumababa, tumwag ako kanina sa hotline sab daw ng support group (tech group) under obsevation pa daw, pero nung nag punta sila d2 sakin nung September 12, ng screenshot sila ng statistics nung modem ko, tps irereport nila. pero ang duda nila Congested ang tower kya ganun nasa .5 lng ang nakukuha kong speed.

                • Re: Globe bakit ganito yung plan ko na 1299?
                  aldrinzordic

                       DSL ho etong gamit ko.3mbps dati pinapa update ko sa 10mbps, ang sabi nga ng operator atleast 60% ng promo makuha ko okay na sana kahit 6mbps na lang makuha ko e pero 4 MBPS??? 1MBPS lang nilakas? hindi ho ata tama yun makuha ng mga subscriber ng globe hindi na nga naabot yung 60% noong promo nila tapos ganito na lang ngyayari walang matinong sagot from globe, kahit nga dito na nga lang e, tignan nyo forum na ng globe ni hindi man lang sila sumagot sa query ko mabuti pa yung mga tao sa community kahit papaano active. ayusin naman sana ng globe yung service nila sa consumer, pag nalalate ng bayad grabe sila maningil pero pag sila na may kalasanan sasabihin lang sayo sorry for the inconvenience, kaya lang hindi kami nalalate e, may pasobra pa nga kami pag bag babayad ng bill tapos ganito pa service.

                    • Re: Globe bakit ganito yung plan ko na 1299?
                      hyperdeni

                      ahh DSL, sorry kuya d ko alam, pag dsl ang problema.

                      ganyan nga sila. mabagal na at hindi pa nila maayos ang service, kht ako, overpayment ako sa ibang globe plans namin. tps nag apply pa ko ng bagong plan sa globe tps congested pa ang tower.

                        • Re: Globe bakit ganito yung plan ko na 1299?
                          aldrinzordic

                          september 15 na ngayon, kahapon hindi nanaman nag punta yung technian na inaantay ko, pinaclose nanaman ang job order ko pag tawag ko kaninang umaga na dapat e naka sched ako para gawin ang upgrade ng net ko. huminge nanaman ako ng panibagong job order sakanila ang sabi ng nakausap ko na operator na iforward na daw sa support group nila yung concern ko, nag palagay na rin ako ng note noong isang araw na baka pupwede na wag ipaclose yung job order namin unless nakausap kami at okay na ang linya namin, pero nagawa pa din nila ipaclose ang job order at masabi na okay ang connection ko, pero sana man lang puntahan naman nila dito sa bahay, tatlo ang naka register na contact number ko plus my landmark pa ako bakit hindi nila mapuntahan ang bahay namin ng maicheck, after nila umalis at pumunta ng poste pinapaclose na agad nila? at hanggang ngayon wala pa rin tumutulong sakin dito sa globe?