1 Reply Latest reply on Jun 3, 2017 1:51 AM by ulyvictoria

    New Broadband Plans Capped Speed Now Only 256kbps Instead of 30%?

    rsahagun22

      so apparently, meron bagong set of offer ang globe broadband. yung Go Big, na kaka release lang starting June 1st. mas malaki ang data allocation pero mas mabagal nang kaunti ang speed compared sa existing plans.

       

      old school yung plan ko, meaning per day ang data allocation. kapag naubos ko, refresh ulit kinabukasan. pero 3mbps lang speed ng plan ko. so talagang plan ko na magpaupgrade dun sa the same price point sa plan ko to 1299/10mbps 100gb/month. ok lang sakin yun kasi nga ang pagkakaalam ko, 30% of the subscribed speed (unlimited) after maconsume ang data allocation (DSL).

       

      pero to my surprise, hindi na daw ganoon ang regulations nila, according dun sa agent na nakausap ko. 256kbps na lang speed mo pag naubos mo allowance kahit anong plan ang kuhanin (either yung existing or yung bago). so nauwi ako na ipa "upgrade" to Plan Go Big 1299/5mbps na may 300gb+100gb for youtube allowance. hindi ko naman mauubos ang sobra sobrang allowance base sa average consumption ko monthly. pero still, in case na may mga nakigamit at naubos ang data, yung inaasahan ko na 30% speed eh 256kbps na lang.

       

      pwede po ba paki confirm kung totoo nga ba 'to? 256kbps na lang speed mo pag naubos ang data, mapa LTE or DSL? wala na yung 30% of the subscribed speed? sayang, 30% kasi ng 10mbps ay 3mbps, so ok lang sana. pero kung 256kbps na lang, eh nga-nga na lang siguro.