0 Replies Latest reply on Dec 8, 2017 10:10 AM by jjipos

    TM Secret Promo

    jjipos

      Nag register ako sa isang Secret Promo ng TM (7days 1GB + Unli All Net Text) .
      Sa 1st registration ko , ok naman umabot ng 1 week .
      Sa 2nd registration ko, nawala agad ang Promo kinabukasan, hindi ako maka surf or text.
      Ang nakalagay pag nag inquire ako ng Status ay "Active" ang promo ko, pero ang MB na natira ay ang MB na niregister ko sa GS15 (40mb) dahil gusto kong mag surf in that moment.
      Nawala ang 1000+mb ko, tapos pag mag text ako may bawas sa load.

      Nag chat ako sa Globe Telecom sa FB, humingi sila ng INFO + Screenshots pero ang sabi lang nila ay dahil daw sa Fair User Policy, na overuse ko daw yung promo.
      Pano naging FUP ni hindi ako masyadong gumagamit ng text (less than 20text per day depende kung importante), at nagbrowse lang ako sa net na hindi umabot ng 80mb.

      Mababalik pa ba yung mga MB, at text ko ?
      Nakakainis kasi parang ang babaw ng reason kung bakit nawala yung promo.