6 Replies Latest reply on Aug 29, 2018 10:10 AM by Kenneth Chan

    LTE 10mbps Slow internet

    jerxme

      Tanong ko lang po kung bakit kaya mabagal ang internet namin.

      Plan: LTE 10mbps 1,299

      Mag-1yr na po kami sa Globe sa darating na Sept pero hindi padin naayos yung internet speed namin. Nag-fofollow up naman po ako at nirereport ko naman po pero paulit-ulit lang po kasi at walang nangyayari.  10mbps po kasi ang max ng internet namin, pero pag umaga wala pa pong 1mbps. Kadalasan nasa below 0.50mbps ang internet namin pag umaga. Nakukuha lang namin yung tamang speed (around 5mbps+) pag madaling araw na. Naitawag ko na po ito at nagpa-onsite visit po, bali nung unang visit po sinabi wala daw pong problema sa antenna,modem namin sa backend na daw po ang makakaayos non. Hinintay ko po ang feedback ng backend at sinabi okay naman daw wala naman daw problema so nagpa-onsite visit sila. Nakapunta yung 2nd onsite visit pero wala padin nangyari ganun lang ulit sinabi okay naman daw at backend na daw makakatulong samin hanggang sa inabot ng 3rd onsite visit ganon ulit scenario. So bali hanggang ngayon po hindi padin naaayos internet namin. Pina-follow up ko naman po mga ref # at report ko pero ang bagal ng feedback at kung may feedback man hindi naman nakakatulong samin. Sa madaling salita hindi padin naayos ung slow internet speed connection namin. Madaling araw lang namin nakukuha yung tamang speed na binabayaran namin, Pinag-tyatyagaan nalang talaga namin gamitin dahil wala kaming choice walang Wired sa location namin. Last na itinawag ko sakanila ay kung pwede kami malipat ng  Cellsite or Signal tower or kung ano man pong tawag sa pinagkukuhanan ng signal ng sim/modem namin. Dahil meron po akong kakilala na same plan and same issue ng saamin nirequest lang daw po na malipat sila ng cellsite at ayun umayos na daw po internet nila. Gusto ko lang po sna malaman kung ano po ba dapat kong gawin? Wala din po kasi kami tlgang choice dahil walang Wired/DSL/Fiber samin.