0 Replies Latest reply on Sep 28, 2018 10:54 PM by karhding

    Ang daya ng Globe

    karhding

      Marami nang issue account namin. May intermittent connection, na kada 15-20 minutes nawawala. Tuwing nire-report, basic troubleshooting lang ginagawa na, malamang, maibabalik connection namin. Sana di ko na lang itinawag, no? Kapag may nakausap naman na matino at nakapag-sched naman ng on-site visit, walang dumadating na technician sa mismong araw kung kailan dapat sila dumating. Wow. May solusyon daw na "facilities upgrade" from DSL or vDSL to fiber pero hindi naman natutuloy (meron daw nung July, at meron din ngayong September), eh yun daw fix ng mga issue sa linya namin. Pero ang pinakamasaklap, yung bill namin ay nasa 4,600 pesos at malaking chunk nun (around 4,000 pesos) ay hindi namin dapat bayaran dahil sa kapalpakan ng Globe. Dahil dito, hindi na nila aayusin linya namin maliban na lang kung bayaran nga full amount. Hayop. May iba ba sa inyo na naka-experience nito? Anong steps tinake niyo? Gusto ko sa ngayon may makausap sa credit and collection department nila, at pati na din sa nagsasagawa ng upgrade sa facilities nila, o basta nag-aayos ng linya. Basta, gusto ko na maayos lahat ng mga issue sa linya namin. Nakakailang tawag na ko, nire-record ko na nga din recently para may resibo ako. Pero kung hopeless (aka Globe) at di na namin matiis, mukhang bye-bye Globe na.

       

      P.S. May post din ako sa Globe At Home Billing and Payment tungkol dito, pero sa issue sa bill yun. I-link ko na lang once approved.