15 Replies Latest reply on Sep 14, 2013 7:26 PM by jhuan

    Utang sa Globe Broadband.

    JejemonSlayer

      May utang pa ako na 3K plus sa Globe Broadband, nag apply ako for a postpaid line. Sabi ng agent na bayad ako atleast half nung utang. ko. (BTW, yung utang na yon eh dahil sa kalokohan ng broadband. Wala akong nagagamit kaya hindi ko binayaran. At may email pa nga ako sa globe at NTC 5 years ago na nakakalipas) Nagbayad ako ngayon ng half, at babayaran ko naman na ulit yung kalahati. posible bang maapprubahan yon inaapplyan kong postpaid line?

       

      thanks

        • Re: Utang sa Globe Broadband.
          liunard1928
          As long as you settle all your unpaid bills..there is a chance for approval. :smileyhappy:
            • Re: Utang sa Globe Broadband.
              ChitoReyes

              Ang utang ay kailangang bayaran ngunit ang serbisyong hindi nakamtan ay kailangang ipaglaban.

               

              Bagama't naiintindihan ko ang inyo pong kalagayan na mahangad ang nais ninyong linya, kayo na lamang po ang makakapagsabi kung ang inyong pagkakumbaba ay magbibigay katarungan sa pera't panahon na maaaksaya sa pagpapaliwanag kung bakit kayo nagkaroon ng balanse ng mahigit na limang taon.

               

              Sa inyong balak gawin, ang payo ko po ay siguraduhin munang  kayo ay maaprubahan bago kayo magbayad sa pamamagitan ng pagkakausap sa inyong ahente o di kaya sa credit investigator upang mabigyan kayo ng "conditional approval" para hindi masayang ang inyong pera.

            • Re: Utang sa Globe Broadband.
              Lui
              kung magpunta ka ng wireless wag ka basta maniwala sa pangako kung maaari magkaroon kayo ng kasulatan.
              yan ang natutunan ko sa pakikipag-usap sa mga taga globe. wag maniwala agad sa salita dapat nasusulat kasi sa huli yun ang panglaban mo.
                • Re: Utang sa Globe Broadband.
                  GIBO
                  I agree to what @ChitoReyes and @Lui said. Put it into writing. With my experience as a Globe postpaid subscriber since July 2006, when I call the Hotline or visit a Business Center I ask the name, employee ID and ask for black and white.

                  You'll never know what's in the back of their minds.
                • Re: Utang sa Globe Broadband.
                  JejemonSlayer
                  May tumawag sakin nung Saturday. Vineverify yung home address ko. Ngayon ata tatawag sa office. Balitaan ko kayo kung anong mangyayari. Salamat po. :smileyhappy: kung di ma aprubahan... Paalam Globe na talaga.
                  • Re: Utang sa Globe Broadband.
                    JejemonSlayer

                    Ok, kakafollow up lang. Sabi ng nakausap ko sa 730 1000, wala raw sumasagot sa HR namin. Huling tumawag daw sila eh nung Saturday (Nung saturday din na nakausap ako sa bahay namin na sabi eh tatawag daw sila sa office namin next week *ngayong week, pero wala pa*) Kaya pala maraming application ang nagtatagal. Feeling ko lang, napapatungan na sila ng mga bagong application. So kung may kulang pa dun sa vineverify nila na application, ilalagay nalang siguro yun sa isang tabi at bahala na ang nag aapply na mag follow up para mapansin ulit. hehehe *Na yun naman ang ginawa ko* So sana may tumawag. hehehe.

                     

                     

                    • Re: Utang sa Globe Broadband.
                      JejemonSlayer

                      Update lang:  Pangalawang follow-up... sa talk2globe kahapon (27 August 2013, 3pm)

                       

                      Sumagot sa email ko, Yey (9:50pm)!!! Pina confirm ang details ng application ko. Ang application ko pala ay 14 August so may 2 weeks na. Pagka-confirm ko sa email nila... sumagot sila ng 10:40pm.  Dahil limited daw ang access nila, gagawa na lang daw sila ng follow-up report sa ref# na binigay ko. 

                       

                      730-1000 vs talk2Globe...

                       

                      Kung ikaw ay magpa-follow up, tumawag ka nalang kesa aksayahin ang oras sa talk2globe. Kasi mas may mapapala ka pa kung tatawag ka.

                       

                      Ni-try ko lang ang ibang way kung paano mag-follow up, so malamang sa hotline nalang ako tatawag ulit.

                       

                       

                       

                        • Re: Utang sa Globe Broadband.
                          GIBO
                          I call the Hotline for issues that require immediate resolution. I Tweet @talk2Globe for general inquiries.
                            • Re: Utang sa Globe Broadband.
                              JejemonSlayer

                              Update lang ulit...

                               

                              Di na ako nagtry magfollow up.  Saturday, nakausap ko ang agent na nagpaprocess ng application ko. Binalik daw sa kanya yung application, di raw macontact HR namin. Humingi ng contact sakin ng HR, nagbigay ako ng mga pangalan na kokontakin nila, kasi kung itatransfer lang sila sa HR namin, karamihan dun ay di sumasagot ng phone. :smileysad: At sinabi ko sa agent na ilagay yung sa application ko yung mga details na sinabi ko, kasi mukhang di naman talaga nilagay ng mga nakausap ko sa 730-1000 yung contact details sa HR namin. Mababait naman yung mga nakakausap ko sa hotline na yon pero hanggang bait lang talaga. Wala namang mangyayari sa usapan nyo.

                               

                              Di na ako pa-follow up. Nung una medyo excited pako sa pag-apply. Ngayon medyo wala na. :smileyhappy:

                               

                              Masayang experience din yung pag-aapply sa online. Naexperience ko din kung ano ang naexperience ng iba. kaya di ako masyadong nabubwisit.

                          • Re: Utang sa Globe Broadband.
                            JejemonSlayer

                            3 days na lang monthsary na ng application ko.

                             

                            Happy monthsary sa online application ko.

                            • Re: Utang sa Globe Broadband.
                              JejemonSlayer

                              Finally!!! May tumawag na sa akin na taga Globe (13 Sept 2013, 12:44 pm) Approved na ang application ko. I-dedeliver daw bukas (Saturday), tutal sa Mandaluyong lang ako.  Sana di ma-delay.

                               

                              Halos 1 month din inabot ang application ko bago ma-approved. Sa wakas!!! :smileyhappy:

                              • Re: Utang sa Globe Broadband.
                                JejemonSlayer
                                Nagtext sa akin ang nagdeliver ng 2pm. 2:30 pm nasakin na ang unit!!! :smileyhappy: