13 Replies Latest reply on Aug 31, 2013 12:05 AM by osmiumrx

    Hanggang Kailan?

    jhenzone

      Hi Globe,

       

      Gusto ko lang po itanong kung hanggang kailan pa po ba ako dapat maghintay para mai-process ang application ko? 

       

      August 3 (Sat.) ako nag-apply sa Globe Center sa Greenbelt. Ang saya ko ng araw na 'to. :smileyvery-happy:

       

      August 8 (Thu.) After 5 days wala pa ring feedback so tumawag na ako sa globe hotline to inquire, then sabi ng support is wala pa raw yung application ko sa system. Tumawag rin ako nung Aug 9 and 10 and get the same feedback so pumunta na ako sa Globe Center to inquire the status, ang sabi wala pa daw akong record sa system nila. Ipa-follow daw nila yung application ko. (=___=)

       

      August 15 (Thu.) may tumawag na rin sa akin sa wakas... para lang sabihin na na-input na nila sa system yung application ko at i-verify yung plan details. Then wait lang daw ako sa next feedback nila. (12 Days to input the application?)

       

      August 22 (Thu.) wala pa rin feedback sa akin so tumawag na naman ako ulit. Sabi nung support is ON PROCESS pa rin daw yung application ko kasi last Augsut 19 (Mon.) tumatawag sila sa office namin para ma-verify yung financial capacity ko. Eh wala kaming pasok nun dahil sa Habagat at Maring, so walang sumasagot ng phone sa office.

      Yun na yung last attempt nila na kontakin ang office namin.

       

      August 25 (Sun.) bumalik na naman ako sa Globe Center para mag-follow ng status. Still ON PROCESS pa rin daw. Wait lang daw po ako ulit kasi ni-report nya na daw ulit yung application ko. (facepalm) Pilit kong humingi ng matinong sagot pero wala daw silang magagawa, yung head office daw nila yung nag-veverify nung application. Maraming tao sa Globe Center so umalis na lang ako kasi wala rin naman talaga akong makuhang substantial na sagot. :smileysad: Ayun, asa mode ulit ako na makakuha ng feedback on Tuesday (Monday kasi is Aug 26 na walang pasok).  

       

      August 27 (Tue.) ng gabi tumawag ulit ako. Ayun, ganun pa rin... sabi nung support is Aug 19 daw ung last update ng application ko, meaning hindi pa rin ulit sila tumatawag o nag-aUpdate ng application ko. :smileysad:(((

       

      August 28 (Today) tumawag ulit ako, ayun, same feedback.. :smileysad:(((((((  :mansad:

       

      Bakit yung iba 1 week napaprocess na agad?

       

      Ilang araw na lang po 1 month na application ko.

      Sana naman po may makabasa nito at magmagandang loob na asikasuhin ang application ko.

       

      Ang dami ko pang gustong sabihin na iba pang details pero yan yung summary ng Journey ng Application ko.

       

      Sana Happy ang Ending nito.. 

       

      Maraming Salamat 

       

        • Re: Hanggang Kailan?
          TERQZ
          Well I do feel your frustrations @jhenzone ,

          Para ngang daig pa nito ang trilogy ng Lord of the rings..Pero patience is a virtue. Pero the odd thing is Globe store ka na nag apply pero natatagalan pa din. Siguro there are chances that they have overlooked sabi nga ng iba ang application mo. Constant follow up and kulitan bibigay din yan. :smileyhappy:

          Well sana maging maganda ang ending nito :smileyhappy:
          • Re: Hanggang Kailan?
            jhenzone
            @TERQZ, nung tumawag ako sa support, nagbigay na ako ng iba pang number ng office at sinabi ko na rin what time best tumawag :smileyhappy:
              • Re: Hanggang Kailan?
                ChitoReyes

                Hi @jhenzone ... mukhang na-abutan ka ng malas at wrong timing.

                 

                Ang pagkaka-alam namin, ang inbestigador ay sinasabihang tumawag sa kumpanyang pinagtratrabahuan ng aplikante ng anim (6) na besas sa loob ng 48 na oras upang makapag-verify. Kung sakaling walang sagot, eto ay napapailalim sa dami ng maga aplikante na kanilang dapt na i-verify.

                 

                Maaring napapunta sa ilalim ang iyong application sa tambak ng mga iba pang application na hindi nasagot ng mga employer sa dami ng walang pasok ngayong Agosto sa dahilang habagat at holiday.

                 

                Tama ang ginawa ninyo na magbigay pa ng isa pang numero at pangungulit sa hotline upang mabigyan ng priority ang inyong application.

              • Re: Hanggang Kailan?
                jhenzone
                @ChitoReyes, thanks sa reply, tama ka, Ghost month ata tawag ng mga Chinese sa August.

                Ang hindi ko lang maintindihan bakit sila tumatawag ng walang pasok? Hindi ba sila nakikinig sa balita? Tapos kapag wala silang nakuhang sagot sa mga tinawagan nila, ilalagay na nila agad sa least priority or babaliwalain? Nakakalungkot naman kung ganon.

                Sa tuwing tumatawag ako, laging sagot is gagawa daw sila ng report, or naka-high priority na raw concern ko. Kaso may use ba talaga yun? Parang hindi naman ata nila nababasa yung mga report na yun eh. Tapos wala akong makuhang magandang sagot or commitment man lang na talagang aasikasuhin nila appliction ko.

                First time applicant ako, pero sobrang dismayado ako sa service na natatanggap ko. :smileysad:
                • Re: Hanggang Kailan?
                  jhenzone
                  Matatapos na naman araw na 'to,wala pa ring feedback. Kahit dito sa community,wala man lang nag-abalang i-check ang concern ko. :smileysad: Mangungulit na naman ako sa phone.
                  Parang sirang plaka na ako. :smileysad:
                    • Re: Hanggang Kailan?
                      jhenzone

                      Aug. 29 (Thu.) kanina,  around 6:30 PM, tumawag na naman po ako sa Globe Hotline.

                      Todo explain na naman po ako sa hinaing ko. Halos mapaos na ako sa dami ng beses ko nang kinwento ang problema ko. Pero wala, gagawa lang daw talaga sila ng follow up, yun lang daw talaga ang pwede nyang gawin.

                       

                      Sobrang hindi ko na po maexplain ang dismaya ko, kaya pumunta na ako sa Globe Center sa Greenbelt after that call.

                      Kinuha ang ID ko as usual para i-check ang status ng application.

                      And then sumunod na ang pinaka WORST GLOBE EXPERIENCE ko, ever.

                       

                      Dami kong explain, dami rin nilang rason, kesyo ganyan, kesyo ganun...... (=______=)

                      Puro na lang promise. Nauubos na laway ko kaka-follow-up... May Gaaaawwwddd... 

                      Tumupad naman po sana kayo sa TIMELINE na pinangako nyo, hindi yung puro po PAASA...

                       

                      No word can describe my DISAPOINTMENT for this application.

                      Til weekend na lang siguro, and it's OVER. (>____<)

                       

                      Malapit na po pala 1st monthsary ng application ko :smileyvery-happy: :smileyvery-happy: :smileyvery-happy:

                    • Re: Hanggang Kailan?
                      jhenzone
                      Hi @GlennO,

                      Salamat sa reply and PM, sana my progress na today.
                      • Re: Hanggang Kailan?
                        osmiumrx
                        Yeah I think they should inform all applicants whose application got denied. I also hate waiting for updates not even knowing if I got approved or denied.