2 Replies Latest reply on Oct 2, 2013 10:50 PM by jhey024

    Ang EDGE at ang talk2globe agent.

    JejemonSlayer

      May nakausap ako kagabi sa hotline ng Globe. Kinuwento ko na dati nung Globe Prepaid ang gamit ko, sayang ang unlisurf ko dahil Edge lang signal ko sa bahay, mabagal maginternet. Wala talaga akong nagagamit. Nilipat lipat ko na yung sim sa S2, S3, iphone 4, iphone 4s ganun padin ang signal.  Kaya sabi ko sa kanya, lumipat ako ng smart (Kumuha sister ko ng isang plan para sakin) Malakas ang signal. After 1 year, kumuha ako ng Globe postpaid dahil akala ko mabilis na ang globe sa amin, Kaso ganun pa din. Edge parin ang nasasagap. Sinabi ko pa sa kausap ko na pag lumayo ako o pumunta sa shaw blvd nagiging 3G na sya.  Ang di ko matanggap sa sagot ng agent eh yung proud na proud nyang pagturo kung paano i-power-off ang iphone 5. Sinabi ko sa kanya na hindi yun ang solusyon, gusto kong malaman kung may magagawa ba kayo para maging 3G naman ang signal sa AREA namin. Dahil ang smart, malakas ang signal at malamang hindi lang din ako ang may ganung problema sa lugar namin.  Binigyan nya ako ng reference # within 5 days ko malaman kung may solusyon sila sa problema.

       

      Mukhang yung nakausap ko, wala sa puso nya ang trabaho nya. Hindi nya iniisip yung mga isasagot nya. Sana hindi lahat sila ganun kausap.

       

      Naeenjoy ko naman ang Globe, pero di sa bahay namin. :smileysad: