17 Replies Latest reply on Apr 2, 2014 11:43 PM by RNav

    GLOBE ULTIMATE BILL PROBLEM

    joberix_nb6

      Last March 2013 nag subscribe ako sa plan 1799 with Iphone 5. Nakuha ko yung phone with the sim. After ilang days hindi pa na activate yung number ko. So nagpunta kami dun sa globe outlet sa SM Valenzuela. Nalaman namin na yung binigay sakin na number is taken na (0917-8669-165). Same day ng pagkuha ko ng plan pina re-activate yung number nung isang customer nyo . So ok na. Binigyan ako ng another number na. Ok na pati LTE activated na. Then a month after, dumating na yung bill. Ayun nakita namin na nadoble nga yung cashout na kailangan bayadan. pati yung plan 1799 nadoble. Ilang months na namin tinatawag yan sa hotline pero puro irereport report daw. Wala namang ngyare sa mga pinagtatawagan namin. Pumunta kami sa globe outlet ulit. Sabi ng agent dun e i disregard na daw yung mga sobra na nadoble at bayadan na lang namin e yung recurrent fee which is 1799 nga, so yun na nga ang ginawa namin. This month natapos yung plan ng tito ko asawa nung tita ko with that account name. Nung ipapa renew na e pinapabayadan na yung 10k plus na bill which is dapat natanggal na ng matagal na panahon. At sabi pa pwede daw kumuha ng plan ulit pero wala na yung loyalty dun sa account. Grabe ilang plans yung kinuha namin sa inyo yun nga loyalty account pa. Tapos itong problema na to di maayos ayos. Di man lang kami i prioritize e. Kahit dun sa outlet di na kami pinapansin minsan nababastos pa. One year na yung problema ganun pa din. Paano yan pagnatapos na yung plan namin di na ulit makakakuha dahil dun sa bill na pinabayaan nyo tumagal ng tumagal? Kung kami lang e walang-hiyang tao pwede namin hindi bayadan yan at iwan na kayo e, pero hindi kami ganun kaya hanggang maaari inaayos namin. Kaya lang ayaw nyo makipagtulungan e. Sana may way pa para maayos to. Nagbabalak na kasi kami lumapit sa NTC bout this concern e. Masyado ng perwisyo.