8 Replies Latest reply on Apr 7, 2014 12:55 PM by Jef Jef

    Agree or Disargee...?!?

    XyujinX

      Globe Prepaid Subscribers:

      90% nga mga subscriber, ang daming angal. Kung makaasta akala mo malaki magpaload. Ang daming demand e prepaid lang naman. 

      10% lang talaga yung mga nakakaunawa. Na nagiisip muna bago mag ngangangawa.

       

      Globe Postpaid Subscribers: (Kabaligtaran ng mga prepaid subscriber)

      10% ng mga postpaid subscriber, makakapal ang mukha (sorry for the term). Oo postpaid plan subscriber sila pero hindi naman ganun kalaki ang MSF (monthly service fee) nila. Ang daming demand, kesyo dapat daw maganda ang service dahil postpaid sila. Na dapat mas maganda at mas maayos and service (special treatment) dahil nga naman postpaid sila. Karamihan sa mga malalakas mag reklamo e call center agent din. Sinasamantala ang kaalaman sa pagiging customer service ng international account at gagamitin para lang mag pabill adjust. Kunyari pa daw na hindi ginamit ang service, ayaw lang talaga magbayad.

      90% naman ng mga postpaid subscriber usually sila yung madaling kausap, sila yung mas madaling umunawa at nakakaintindi ng proseso. Marunong sumunod sa mga instruction, ibig sabihin madaling turuan. Karamihan sa kanila mas malaki yung plan.

       

      Globe Network

      Napansin ko lang. May problema na, (service related, network related, promo related) pilit pa din pinapaganda imahe ng kumpanya. Di kataka taka na napag-iiwanan na talaga ang Pilipinas ng mga karatig bansa patungkol sa pag unlad ng teknolohiya.

      Minsan naman, nagkamali na, itatanggi pa.

          

      Service Related

      Mabagal na pag resolba ng mga customer service sa mga hinaing ng mga subscriber.

      Mga magkakaibang impormasyon at proseso ng globe store at customer service hotline.

      Mga unwanted charges na walang sapat na paliwanag.

       

      Network Related

      Mahinang signal. Sinasabi na buong bansa ay may 3G coverage na. LTE na ang uso pero wala pa ang 3G na sinasabi nila.

      Alam natin na ang ating bansa ay daanan ng bagyo, pero diba dapat handa ang ating mga cellsite sa mga ganitong sitwasyon. Sa ngayon, umihip lang ng malakas na hangin nawawalan na ng Signal. "700M USD network modernization program" may improvement na nga ba? Sa mga kilalang siyudad siguro oo. Pero syempre hindi lang dapat sa mga lugar na ito. Sa totoo lang, para sa akin, wala pang improvement.

       

      Promo Related

      Ano pa bang issue dito, wala ng iba kundi ang pinaka sikat na Fair Usage Policy. Ang SUPERUNLI na unlimited call and text naging SuperLIMITED. Ang SUPERSURF na dati, pag nagregister ka, makakatanggap ka ng "You can now enjoy your UNLIMITED SURFING...". Ngayon binago na, "Enjoy All Day Access na daw". Sa Postpaid plan nakalagay na UNLISURF PLAN 999. Tapos may 1G data limit per day. Hm.. Kamusta naman. Kung sa bagay tama naman yung term nila UNLI pa din yun nga lang babagal ang connection, eh di may LIMIT pa din sa speed. Dami ng complaint tungkol dito. Honestly, kahit anong angal natin dito, hindi natin ito kayang mabago. Ang Globe ay isang pribadong kumpanya, na hindi pwedeng basta basta utusan ng gobyerno.

       

      Kayo na bahala humusga..

       

      Agree or DisAgree...?!?