0 Replies Latest reply on Aug 8, 2014 12:52 AM by dsluser

    No connection for a month!

    dsluser

      We've lost our connection (Pampanga area) days before typhoon Glenda visited us. Naayos na yung ibang nasira ni Glenda, pero di parin narestore ang connection namin. On top of that, no one in your technical team even cares to give a detailed update. Laging sinasabi na may network maintenance sa area, ay naku di pa ba obvious yun? What I'd like to receive is the REAL status of the ongoing repair and the ETA (i.e. may inaayos nalang po sa ganitong area and connection should be back in 3 days... or... nahulog po yung utak nung head network engineer namin so malamang 1 month pa kayong disconnected... or... di po talaga namin inaasikaso kasi maliit na tao lang kayo kaya mas maganda lumipat na kayo sa PLDT...)? Gets nyo po yun? Ganun lang naman kasimple ang hinihingi kong update. Freelance programmer ako, and I make most of my income working for clients that I communicate with ONLINE. In short, kung walang internet, walang trabaho, wala akong pambayad sa inyo. 1 week of downtime might be acceptable pero 1 month na, sobra na. Ber-months na nyan, baka abutin tayo ng pasko tapos wala parin update, kawawa naman ako wala ako kikitain at ipangreregalo. :-D

       

      Oh, and you know what the worst part is? Sabi nyo may rebate kapag di narestore ang connection within 24 hours, yet may dumating na billing statement charing us the whole MSF kahit di narestore ang connection within 24 days NOT hours. Oh diba, makupad na nga technicians nyo pati ba naman programmers ng accounting system nyo palpak? Well I hope that's just a glitch dahil wala akong planong magbayad sa serbisyong di nyo naman ginawa.

       

      Anyway, sa mga ka-globe ko na sumasakit na din ang ulo at nawalan ng income dahil sa kupad ng serbisyo, pwede po tyo mag-file ng complaint sa NTC using thr link below. Not sure if NTC would or could actually help pero no harm naman kung sabihin natin sa kanila ang pagpapabaya ng Globe sa mga ibang subscribers nila.

       

      http://www.ntc.gov.ph/complaintpage2.php