0 Replies Latest reply on Dec 24, 2014 9:19 AM by jhonken

    Inquiry about Tattoo Home Broadband LTE Plan 1099 2mbps. Pa help po!

    jhonken

      Hi po! Nag apply po ako sa hotline ng Tattoo Home Broadband Plan LTE na 1099 2mbps. Sabi po eh kung makakapag pasa po ako ng requirements within 24 hours ay ma avail ko po yung Free Installation na 1000 pesos. So nagpasa po ako kagabi, tapos ngayong umaga ay umawag po ulit ako para ifollow up kung nareceive po yung requirements ko. Ang sabi naman po ng CSR ay processing na daw po at January 3 po ang completion date. Tapos sabi pa po eh huwag po magtaka kung makaranas ng intermittent connection after mainstall. Mag antay daw ng 3-5 days para mafully activate yung account. Approved na po ba yung application ko kung ganun? pero wala pa naman akong narereceive na tawag, ako po yung tumawag kanina eh. pero sabi naman eh ginawan na nang follow up nung CSR kaya mag antay na lang ng feedback within 24 hours.

       

      Then tinanong ko din kung pwede mag upgrade sa bagong plan 1299 na 5 mbps pero ang sabi eh pwede naman daw basta after na mafully activate yung account. Ang tanong ko lang po ay kung mas maganda ba yung Plan 1299 na 5 mbps or yung old plan na 1299 na 3 mbps? kasi yung new 1299 ay may 30GB na data allowance per month pero yung old na 1299 ay unlimited, ano po ba mas maganda? yung plan 1099 or 1299? pagdating sa speed wala ba pinagkaiba yung 1099 na 2 mbps sa 1299 na 3 mbps?

       

      Sana po may sumagot sa aking concern. Ito na po ang pangalawang beses ko mag apply sa Tattoo home broadband. kasi nung August nag apply ako pero nadiscourage ako. Pumunta kasi ako sa Globe store tapos ang sabi mag antay ako ng tawag mula sa nag survey. may tumawag nga tapos ang sabi eh pwede daw ang LTE. Tapos nung pumunta na naman ako sa store eh iprocess na daw application pero nung may tumawag ulit ang sabi na eh wala na daw ulit. Kaya ayun hindi na natuloy. Pero nag try ulit ako ngayon sa hotline naman. Ang sabi eh serviceable daw ang LTE sa area namin. Sana po matuloy na this time.

       

      Sana po may mag enlighten sa akin tungkol sa aking mga queries. Kailangan ko lang kasi ng stable na internet this 2015. Thanks! Sana po matulungan niyo rin po ako notevenfollowed . Thank you po!