2 Replies Latest reply on Oct 28, 2015 3:51 PM by jobberwalk

    LTE 5mbps (1599) fixed to 1mbps

    cjplim23

      Tama po bang idahilan nyo na marami ng user sa area kaya nililimit nyo sa 1mbps ang LTE 1599 5mbps plan namin? Eh kung ganon pala bakit araw araw may bago kayong kinakabitan ng internet kung di na pala kaya ng serbisyo nyo? Kaya nga kami ngbabayad ng mas mahal para sa mas mabilis na connection eh. Buti pa ung mga wimax plan 999 dito samin 2mbps connection nila, ung LTE namin fixed sa 1mbps. Natapos lang naming bayaran ung installment ng bundled phone at installation fee eh nag-umpisa ng bumagal.. Siguro may iaalok na namang mas MAHAL na connection kaya ganun.

        • Re: LTE 5mbps (1599) fixed to 1mbps
          boltron73

          Dito rin sa amin sa Cebu nakaka bwesit talaga kumuha ako ng plan 1599 5mbps para sa work ko sa bahay tapos halos gumagapang sa 1mbps ang speedtest. We are not getting what we paid.. Kung hindi naman lang aabot sa 5mbps ang connection sana man lang meron silang discount sa bayad dahil hindi naibigay ang dapat na speed na binabayaran natin. Niloloko lang tayo ng kompanyang ito!..

          • Re: LTE 5mbps (1599) fixed to 1mbps
            jobberwalk

            Ganyan din saken.. Malvar Batangas area ko, lagi nila sinasabi baka kasi peak hours lang or on going pa upgrade ng facility pero hindi naman nila ma confirm kung nag uupgrade nga ba talaga at kung kelan matatapos ang upgrade.. 6 months na problema ng net ko pero hindi pa rin nila naaayos, paulit ulit lang tinatanong at pinapagawa nakakasawa na.

            Eto experience ko ever since nakabit yung mas mabilis DAW na LTE, ganito din ba inyo https://community.globe.com.ph/message/134775#134775