21 Replies Latest reply on Feb 2, 2015 6:17 PM by notevenfollowed

    Any tips on how can I recontract w/o migrating to MyLifeStyle Plan?

    notevenfollowed

      Magandang Araw po, ako po'y humihingi ng mga payo at mga mungkahi kung papaano ba makapag recontract na hindi na kinakailangan lumipat sa bagong MyLifeStyle Plan.

       

      Napapangitan kasi ako sa MyLifeStyle Plan, ako po kasi'y punupuwersa na kumuha ng unli call & text to Globe, ang gusto ko po lamang ay ituloy ang aking BBMax Plan o kumuha ng Data promo at makakuha ng bagong phone unit. Ayaw ko po ng unli call & text dahil hindi ko naman ito masyadong nagagamit.

       

      Napapaisip tuloy ako na kaya tayo punupuwersa ng Globe na kumuha ng unli call & text ay bumababa ang kanilang kita dahil sa internet na nag tatawagan at nag papalitan ng mensahe ang ating mga kababayan.