1 Reply Latest reply on Jul 1, 2015 3:42 AM by ChitoReyes

    what will happen if i cannot pay my globe postpaid mobile

    manilynavenido

      gusto ko lang po itanong kung bakit pag nag apply ka ng mobile plan sinasabi nila madalas na 499 monthly so yung tao naiingganyo kumuha ng plan,kaso ang piakamalaki na problema pag pinadala na nila yung bill mo magugulat ka na lng sa subrang laki ng bill e halos di mo naman nagamit. Katulad sa sitwasyon ko sinasabi nila na 499 monthly so kumuha ako dahil alam ko naman sa ganung bill mo mababayaran mo naman kung 499 monthly lang, ang problema di mo halos ginagamit pero napakalaki naman ng bill mo, and then mga ilang months di sila magpadala ng bill sa susunod mo na bill na ilang months ang nakalipas magugulat ka na lang na umabot na sa 8000 ang bill mo.Katulad sakin yung phone ko hindi ko namalayan na wala na sa bulsa nadukot na pala habang naghanap ang ng work nun, di q namalayan na wla yung phone ko ano ang gawin ko eh patuloy pa din sila nagpapadala sakin ng bill na halos di ko naman kaya bayaran dahil umaabot na sa 13000. anu ba ang dapat kong gawin nito?

        • Re: what will happen if i cannot pay my globe postpaid mobile
          ChitoReyes

          Dapat po ay alamin muna ninyo kung bakit mataas and siningil sa inyo sa pamamagitan ng pagkakaintindi sa pagvasa ng inyong Statement of Account. Duon nakasaad ang inyong pagamit ng mga serbisyo ng Globe. Maraming pwedeng nangyari tulad ng "unposted" na bayad, device charges, data charges na sa dahilan na nakbukas ang inyong "mobile data" na hindi ninyo nalalaman, prorated charges at marami pang iba.

           

          Mas lalo pang naging complikado at nanakaw pa ang inyong telepono at talagang dapat kayong tumawag sa Globe o di kaya ay pumunta sa Globe Office upang ipatigil o ipa-deactivate ang inyong nanakaw na sim at bigyan kayo ng bago upang hindi magamit ng magnanakaw ang inyong sim at lalo pang tumaas ang inyong bill.

           

          Gawin ito sa lalong madaling panahon.