0 Replies Latest reply on Jul 19, 2015 3:33 PM by shuntjg

    Bakit wala pang technician na dumarating sa amin? Sobrang bagal ng internet namin 2 linggo na.

    shuntjg

      Halos magdadalawang linggo na kaming nag aantay sa mga technician. Gusto ko lang naman kasing ipaayos ang external antenna ng globe tattoo home namin eh. Biglaan po kasi ang paglipat namin eh, mula Caloocan (Malapit sa Caloocan City Jail) papunta sa Malabon (Sa Tonsuya). Dati noong nasa Caloocan kami, nakaka 4 bars kami ng connection, ngayon sa Malabon, dahil nga barahan lang ang paglagay ng external antenna, eh nakaka 2 bars lang. So tinawagan namin ang Customer Service nila. Sinabi nila na wala raw service dito ang Globe Tattoo at ang choice ko lang raw is WiMax (na sinearch ko at nalaman ko na panget gamitin pang gaming dahil sa mataas ng ping) pero sinabi nila na papapuntahin nila yung mga technician dito. Pero hanggang ngayon wala pa ring dumarating. Ngayon lang, tinawagan uli namin yung Globe Customer Service at sabi nila na wala raw service yung Globe Tattoo dito at hindi raw nila papapuntahin ang technicians nila. Eto po ang speed namin ngayon, tinest ko sa speedtest, http://www.speedtest.net/result/4515650387.png . At nung pinuntahan ko naman namin yung Globe 4g spotter eh nakita namin na meron na mang palang Tonsuya eh, pati Tugatog na kalapit lang naminglbe.png. Gusto ko lang naman papuntahin yung mga tao nila para ayusin yung external antenna namin eh at ilagay sa bubong namin para malaman kung wala talaga, Paano naman kasi kami magkakaroon ng 2 bars kung wala d ba. At ayoko mag WiMax, hindi ako makakapaglaro ng mga online games ng maayos.Yun lang po maraming salamat.