0 Replies Latest reply on Nov 3, 2015 2:19 PM by abengeyl

    Halos 2 months na kaming walang internet. Marami na rin ako tinawagan at nakausap. Pero walang technician na pumunta dito sa bahay para ayusin. Naubos na pera ko kakaload para makatawag sa Hotline ng Globe. Pabalik-balik din ako sa mga Globe stores. Nakau

    abengeyl

      August 29, 2015- Nawalan kami ng Internet
      ~
      Halos 2 months na kaming walang internet. Marami na rin ako tinawagan at nakausap. Pero walang technician na pumunta dito sa bahay para ayusin. Naubos na pera ko kakaload para makatawag sa Hotline ng Globe. Pabalik-balik din ako sa mga Globe stores. Nakausap ko na din yung mga agents, Area manager,Installer, Team leader pero hanggang ngayon wala pa ding nagyayari.

      Mga rason nila ay :
      -Network issue (pero pagnaayos na wala pa ding net).
      -May sira sa Main Cabinet,(24 hrs lang daw may net na, kaso wala pa din)
      -Inclement Weather( nung time ng onsight visit, hindi naman umulan)
      - Di daw nila mahanap yung bahay namin( tama ba to? di ko alam kung tinatamad lang tong mga technician eh. ),
      -di daw macontact yung num ko( pero 3 numbers yung binigay ko na kokontakin nila bago pumunta dto)

      Sunod, ay di nila tinutupad yung araw na pupunta sila (pero di naman talaga sila pumunta , tumawag lang.)s kasi iba-iba yung sinasagot nila sakin kaya nalilito na ako eh. Sabi nung nasa Globe store pag may nakita kang mga nagkakabit(Installer), Kausapin mo na ayusin yung internet nyo. Okay lang kahit walang job order. Ako naman may nakita akong installer. Sabi ng installer "hindi pwede, hindi namin hawak yun". Niloadan ko pa yung Installer para tumawag sa hotline para iexplain sakin kung bakit hindi pwede.

      Sunod, ay di nila tinutupad yung araw na pupunta sila (pero di naman talaga sila pumunta , tumawag lang.)
      para san pa yung Job order kung di nyo susunduin? Ano to,lokohan lang? Puro resched at follow up? paulit-ulit nalang?

      Pangatlo, Gusto na namin talaga ipaputol kasi wala namang globe technician na pumunta. May nakausap ako na employee sa Globe Store Sta lucia. Sabi nya mawewave daw kasi valid naman yung reason na hindi pinupuntahan ng technical team kaya wala daw babayaran na disconnection fee. Ang sabi naman ng sa Globe store masinag , may disconnection fee na 5k. tas kung ayaw daw paputol dahil may fee, magpakabit nalang daw ng LTE na internet. Anong klaseng serbisyo ba to?
      Ayaw namin magbayad ng 5k kaya hihintayin nalang namin yung technical team kaso hanggang ngaun wala pa din eh.

      Last week , pumunta ko sa Globe Store masinag. Tungkol pa din sa internet connection issue at billing. May 2k+ kami na balance sa internet na hindi namin nagamit. May billing adjustment naman daw.(eh di kampante ako) kaso kailangan daw munang bayaran yung balance na 2k+ kasi madidisconnect daw yung account. Ibig sabihin kahit ayusin ng technician, kung madisconnect , wala pa ding internet.

      Lesson: Sa mga di pa nagpapakabitt ng internet. Wag na kayo mag globe. Please lang. Sa una lang sila magaling. Mabilis yung internet kaso pag nagkaproblema, matagal masolusyonan.

      Sa dami ng nakausap ko sa issue na ito. Hanggang ngayon, di pa din maayos. Di ko na alam kung sino lalapitan ko tungkol dito. Paulit-ulit nalang kasi at nakakasawa ng tumawag sa hotline at pumunta sa mga Globe stores. Ano pa bang dapat naming gawin? Nagaalala ko sa billing o extra fees. Gusto ko na tong ipaputol. ENLIGHTEN ME PLEASE...

      Feeling ko estudyante lang ako kaya hindi sila umaaksyon eh T.T napuno na ko -.- Tapos na First sem. Nakapagenroll na ako. Sembreak na, WALA PA DIN KAMING INTERNET.

      Yung pasensya ko dito sa Globe, ubos na. Sobra na eh.

      #Globe #Dsl #internet