2 Replies Latest reply on Feb 9, 2016 3:37 PM by Arnel S. Bansil

    Globe Account Problem!

    ako.si.raff

      Hello! Good Day!

       

      Anu kaya pede ko gawin?

       

      Almost 4 years na ako Globe Postpaid user Plan 2499 . I have 15gig Data, 500 SMS and 25Mins call, bihira ako magtext & call since panay chat kami nun mahal ko at kung magtext at mag call iisang number lang at Globe din. Netong mga nagdaang buwan nagtataka na ako, panay lagpas na sa 3500 ang bill ko, lagi ubos agad o puno agad yung meter/counter ng SMS/CALL ko sa GServives at sa Globe Online Account.

       

      Then bago ako mag reset this February 6, nagdecide ako mag pa migrate from My Super Plan to Life Style Plan that was i think 3rd week of January. Ginawa kong GoSurf999, UnliAll Net plus yun Unli Txt and Call sa Globe.

       

      Simula nun araw na nag request ako, may nagbago sa Account ko, nawala yung Counter/Meter ng SMS/CALL at DATA. So sad to say wala ako way para ma check although wala naman ako gaanu tinetext lalo na call. Pero luckily yung DATA may way para macheck kung ilan na nagagamit ko.

       

      After niyan, nagulat ako SUMIPA na ng sumipa unbilled ko, hanggang sa umabot ng 1500 halos, at nakakagulat na almost 800 unbilled ko sa SMS then yung data ko mas nakakagulat may unbilled ako which un sa Anti Bill Shock, pero ang nagamit ko palang data out of 15gig is 3MB, malinaw yan sa reply sakin ng 8888 netong Feb 5.

       

      Then now, sa oras na mismo nata almost 3hours ko na kausap ang Globe Agent sa Chat pinapa ikot ikot ako ang linaw na may mali ayaw man lang gawan ng report. Yung sa DATA palang ang linaw sa generated bill naka 3MB lang ako out of 15gig allowance pero may charge ako. Pero ayaw gawan ng report man lang o action.